Manila, Philippines – Nasimulan na sa plenaryo ang pagtalakay sa pagtatatag ng Department of Housing and Human Settlement.
Ini-sponsoran sa plenaryo ang House Bill 6775 ni Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez na layong maisaayos at matutukan ang mga pabahay na proyekto sa bansa.
Ayon sa kongresista, tatlong dekada nang sinisikap na magpatibay ng ganitong panukala.
Base sa House Bill 6775, ang Department of Housing ay hindi lamang maglalaan at mangangasiwa sa mga housing projects ng gobyerno kundi tututok din ito sa pagbibigay ng serbisyo sa mga nalilikhang komunidad gaya ng edukasyon, pangkalusugan, pagkain at nutrisyon.
Dagdag pa ni Benitez, sa ganitong paraan ay mas nakasisiguro na malulutas ang housing backlog sa bansa na sa ngayon ay umaabot na sa 6 na milyon.