Dalawang malalaking pabahay para sa mga guro sa NCR ang ikinasa ng National Housing Authority (NCR) sa ilalim ng Balai Filipino, ang National Housing Program ng Duterte Administration.
Sa 2nd anniversary ng Balai Filipino, pormal na iginawad ng NHA at Pag-IBIG Fund ang Notice of Approval na ang kontrata ay ibinigay sa Hauwei Builders and Development Corporation.
Ito ay para sa pagpapatayo ng 158 na townhouse units na nagkakahalaga ng ₱229.10 million.
Partikular na makikinabang sa ipapatayong pabahay ay ang mga pampublikong guro sa North Caloocan.
Sa panayam ng media, matapos magsalita sa okasyon, sinabi ni Senador JV Ejercito na dahil sa mga reporma sa housing problems, hindi na mauulit ang problema sa nakaraan na inayawan ng mga uniformed personnel ang mga pabahay dahil sa palpak na disenyo.