Pabahay para sa mga badjao, tiniyak ng DHSUD

Nagkasundo ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at National Housing Authority (NHA) na mabigyan ng pabahay ang mga pamilyang badjao sa Mindanao.

Katunayan, may ongoing project na ng pabahay ang DHSUD at NHA sa Zamboanga City para sa mga badjao.

Matatandaan na nitong Biyernes lamang ay magkasamang ininspeksyon nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at NHA General Manager Joeben Tai ang mga itinatayong housing units sa stilt areas sa Barangay Kasayangan.


Ayon kay Secretary Acuzar, may kabuuang 81 pamilyang badjao ang target na makinabang sa proyekto.

Nagtanong pa si Secretary Acuzar sa local government unit (LGU) kung ano pa ang maitutulong ng DHSUD para mapahusay ang pamumuhay ng mga badjao sa project site.

Facebook Comments