Pabahay para sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda, natapos na

Natapos na ang konstruksyon ng 220 units na pabahay sa Tabuelan, Cebu para sa mga naging biktima noon ng pagtama ng bagyong Yolanda, noong 2013.

Kasabay ng turnover ceremony ng certificate of awards sa mga benepistaryo, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, na nananatiling on track ang pamahalaan sa plano nitong tapusin ang major housing units ngayong taon, habang full completion naman ng lahat ng housing units ang kanilang target sa 2020.

Ayon kay Secretary Nograles, pinamamadali na ng Malacañang ang konstruksyon ngayong taon.


Tututukan na rin aniya ngayon ng pamahalaan ang pag-i-install ng mga facilities at implementasyon ng livelihood programs sa lugar.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang kilihim sa effort ng pamahalaan, partikular ang National Housing Authority (NHA) at mga personnel na nagtulungan upang matupad ang pangako ng gobyerno para sa mga Yolanda victims.

Muli namang iginiit ng kalihim na committed ang pamahalaan na bigyan ng full range government assistance ang mga ito.

Facebook Comments