PABAHAY PARA SA MGA OFW SA CAUAYAN CITY, SISIMULAN NA SA SUSUNOD NA TAON

Inihahanda na ang pondo para sa pagpapatayo ng mga murang pabahay para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa lungsod ng Cauayan.

Ang nasabing pabahay ay sa ilalim ng programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naglalayong makapagpatayo ng 1 milyong bahay kada taon sa loob ng walong taon (8) para sa mga pamilyang Pilipino.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay AR. Vanessa P Gulatera, Principal Architect A, National Housing Authority, tinatarget umanong masimulan na ang pagpapatayo na mga pabahay para sa mga OFW ngayong darating na taong 2023 na nakatakdang itayo malapit sa Cauayan Airport Terminal na sakop ng Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kaugnay nito, iniaalok rin ng National Housing Authority ang kanilang mga programa sa mga empleyado ng gobyerno, mga pamilyang lumikas, mga pamilyang mababa ang kita, mga informal settler, at mga katutubo.

Facebook Comments