PABALIK-BALIK LANG | Kampanya ng Manila City Government tungkol sa pagkalat ng mga vendor sa Roxas Boulevard, ningas kugon

Manila, Philippines – Nagpapatintero na naman ang mga vendor sa kahabaan Manila Bay sa Roxas Boulevard matapos na magsagawa ng operation ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau, Depart of Public Safety at Manila Social Health Service sa naturang lugar.

Pabalik-balik na lamang ang mga vendor sa lugar dahil ang katwiran nila ay wala silang alam na hanap buhay kundi magtinda sa Roxas Boulevard, Manila.

Paliwanag ng mga vendor wala anilang kongretong programa ang Manila City Government sa kanilang hanay upang mabigyan sila ng marangal na trabaho o pagkakakitaan pantawid gutom sa kanilang mga pamilya.


Una rito ipinagpalaki ng Manila City Government na malinis na ang kahabaan ng Roxas Boulevard gayong pabalik-balik lamang ang mga vendor habang sa Pedro Gil Street Ermita Manila ay mistulang Divisoria dahil maging ang bangketa ay sinakop na at isang lane nalamang ang nakadadaan sa lugar sa dami ng mga vendor na nagtitinda.

Facebook Comments