‘PABAYAAN NA LANG’ | Joke ng Pangulo na maging probinsya ng China ang Pilipnas, ipinagtanggol ng liderato ng Senado

Manila, Philippines – Iginiit ni Senate President Koko Pimentel na palabiro lang talaga si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi na dapat palakihin ang joke nito na maging probinsya na lang ng China ang Pilipinas.

Sabi ni Pimentel, pabayaan na lang ang mga joke ng Pangulo.

Ang mahalaga aniya ay wala namang hakbang para magkatotoo ang nabanggit na biro ng Pangulo.


Diin naman ni Senator Panfilo Ping Lacson, malinaw na nagbibiro lang ang Pangulo kaya mas dapat bigyang konsiderasyon ay ang seryosong pahayag nito na ipaglalaban natin ang sovereign rights sa Philippine Rise.

Para naman kay Senator Gringo Honasan hindi na dapat tuunan ng pansin ang bokabularyo ng Pangulo dahil mas mahalaga ang mga polisyang ipinapatupad nito.

Facebook Comments