Manila, Philippines – Bilang pagtalima sa tagubilin ni Pangulong Duterte sa kaniyang SONA na pabilisin ang mga frontline services at mga proseso sa gobyerno,
Agad na umaksyon si BJMP Chief Jail Director Deogracias Tapayan para doblehin ang trabaho sa pagbibigay solusyon sa problema ng congestion o pagsisiksikan ng mga bilanggo sa mga detention facilities sa bansa.
Sa isinagawang BJMP Conference ng Directorate for Logistics, iniutos ni Tapayan ang mas agresibong konstruksyon ng mga jail facilities.
Puntirya ng ahensya na mabawasan ang congestion rate mula 3,812% patungong 657%.
Aniya, nakumpleto na ang konstruksyon ng pitong bagong jail buildings sa bansa na ginastusan sa ilalim ng 2018 budget.
Ito ay ang New Cabagan District Jail sa Isabela, Baliuag Municipal Jail at Meycauayan City Jail sa Bulacan, Pagbilao District Jail sa Quezon Province, San Juan Municipal Jail sa Batangas, Tabaco City District Jail sa Region V, Talibon District Jail sa Bohol, Lapu-Lapu City Jail Male-Dorm at New Argao District Jail sa Cebu City at Montevista District Jail sa Davao Del Norte.
Ngayong 2018,70 na jail facility projects ang isasakatuparan sa regions I, III, VII, IX at XI.