Manila, Philippines – Ilalabas na ngayong linggo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang imbitasyon para sa nais maging ikatlong Telecommunication Company.
Ang nasabing imbitasyon ay para sa mga nais mag-bid sa proyekto na layong pabilisin ang internet sa bansa.
Puwedeng lumahok sa bidding ang mga kumpanya na may existing congressional franchise at kayang gumastos ng P500 bilyon sa loob ng 5 limang taon.
Maaari namang maghanap ang mga maliliit na korporasyon ng partner, banyaga man o lokal.
Target ng DICT na mapili ang third player bago ang Semana Santa sa Marso.
Magkakaroon rin ng briefing ngayong Enero ang DICT para maipaliwanag ang paraan ng bidding.
Facebook Comments