*Cauayan City, Isabela*- Napigilan ng mga rumespondeng pulis mula sa Angadanan Police Station at iFM Cauayan News Team ang sana’y masayang pabingo ng Lomboy Integrated School kahapon.
Sa tulong ng PNP Angadanan sa pangunguna ni P/Capt Francis Pattad ng naturang bayan ay matagumpay na napigilan ang sugal na bingo sa loob mismo ng paaralan.
Naaktuhan ang ilang mag aaral kasama ang kanilang mga magulang na naghahanda sa pag iipon ng mga bato upang magamit sa larong bingo.
Ayon sa principal ng paaralan na si Filmar Arzadon, depensa ng mga ito ay hindi nila alam na bawal ang bingo sa loob ng paaralan dahil taun-taon nila itong ginagawa dahil bahagi lamang ito ng Income Generation Project sa pagdaraos ng 18th Founding Anniversary ng paaralan.
Nangako naman ang pamunuan ng Lomboy Integrated School na hindi na magiging bahagi ng kanilang anibersaryo ang ilang sugal na mahigpit na ipinagbabawal ng batas batay na rin sa kautusan ni Pangulong Duterte.
Sa bandang huli ay napagkaisahan ng mga guro na sa halip na ituloy ang bingo game ay nagpalarong lahi nalang sila bilang nagahi parin ng kanilang 18th founding Anniversary.
Sa executive order na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte, mahigpit nang ipinagbabawal ang pagsusugal sa mga patay tulad ng sakla, pusoy, cara y cruz maging ang pagsusugal sa mga kalye at pampublikong lugar ay bawal narin tulad ng bingo, jueteng, sabong EZ 2,loteng, bookies, sabong at video karera.