Gusto ng dalawang gobernador at syam na alkalde na mapalawig pa ang umiiral na martial law sa Mindanao.
Batay ito sa nakuhang pahayag ng mga tauhan ng AFP Civil Relations Group sa Mindanao sa pangunguna ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez Jr.
Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, patuloy na nag-iikot si AFP Chief of Staff Galvez sa Mindanao para alamin ang saloobin ng mga local chief executives kung gusto o ayaw nilang palawigin ang umiiral na martial law.
Batay sa mga nakuha nilang mga statements mula sa mga local chief executives, ang dalawang gobernador na pabor para mapalawig ang martial law at sina Gov. Jayvee Tyron Uy ng Compostela Valley at Gov. Herminia Ramiro ng Misamis Occidental.
Habang ang syam na alkalde na pabor sa martial law ay sina Mayor Jonalette De Pedro ng Bagumbayan Sultan Kudarat, Mayor Edna Odka Benito ng Balabagan Lanao del Sur, Mayor Akmad Ampatuan ng Shariff aguak Maguindanao, Mayor Roger Taliño ng Carmen North Cotabato, Mayor Felix Manzano ng Don Carlos Bukidnon, Mayor Angelito Martinez ng San Miguel Zamboanga del sur, Mayor Lina Montilla ng Tacurong City at Mayor Amirh Musalin ng Columbio Sultan Kudarat.
Sinabi ni Arevalo na maaring dumami pa ang bilang ng mga local chief executives na pabor sa palawigin ng martial law.
Sa pahayag ng mga local chief executives nakatulong sa kanila ang martial law para sa kanilang pagnenegosyo at peace and order sa Mindanao.
Ang umiiral na martial law sa Mindanao ay magtatagal na lamang hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan.