PABOR | House Speaker GMA, pabor sa hiwalay na pagboto ng Kamara at Senado sa pagsusulong federal form of government

Manila, Philippines – Pabor si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa hiwalay na botohan ng Kamara at Senado para aprubahan ang panukalang pag-amyenda sa 1987 constitution sa isang contituent assembly.

Ayon kay Arroyo, matagal ng isyu ang separate voting sa Kongreso kaya pumapayag na siya sa hiwalay na botohan ng Senado at Kamara para makausad na ang charter change.

Una nang giit ng ilang senador, na mababaliwala lang ang kanilang boto dahil halos 300 ang mga kongresista habang 23 lamang ang mga senador.


Sa ilalim kasi ng panukala, ang anumang pagbabago sa saligang batas ay kailangang aprubahan ng three fourths ng Kongreso.

Facebook Comments