Manila, Philippines – Pabor ang Moro Islamic Liberation Front sa itinatakbo ng bicameral conference na may kaugnayan sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Bangsamoro Transition Commission Chairman at MILF Vice Chair Ghadsali Jaafar, satisfied sila sa 75/25 na wealth sharing sa bubuuing Bangsamoro region.
Aniya, pabor din sila sa bersyon ng Senado na mapasama sa Bangsamoro ang anim na bayan sa Lanao del Norte, 39 na barangay sa North Cotabato, Cotabato City at Isabela City sa lalawigan ng Basilan.
Iginiit ni Jaafar, importanteng hindi mas mahina ang BBL kaysa sa ARMM Law.
Baka hindi kasi aniya ito tanggapin ng mga botante sa plebisito at mawalan ng saysay ang peace negotiation ng MILF at ng gobyerno.
Taget ng kongreso na aprubahan ang pinag-isang bersyon ng BBL bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.