Manila, Philippines – Nanindigan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na dapat gamitin lamang ang marijuana sa aspektong medikal.
Ito ay matapos ihayag ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na pabor siya sa medical marijuana pero hindi maaring gamitin para sa ‘recreational use’.
Ayon kay PDEA spokesperson Derrick Carreon – suportado nila ang sinabi ni Gray.
Aniya, parehas ang katayuan ng PDEA at ni Gray sa usapin.
Pero sa ngayon, nananatiling banned substance sa bansa ang marijuana.
Facebook Comments