PABOR | Planong pagrepaso ng DepEd sa K-12 program, suportado ni Sen. Gatchalian

Manila, Philippines – Pabor si Senador Win Gatchalian sa plano ng Department of Education o DepEd na repasuhin ang K-12 curriculum na ipinapatupad na sa buong bansa.

Katwiran ni Gatchalian, mahalaga na masuri ang K-12 curriculum upang matiyak na sumasabay ito sa mga pagbabago at tumutugon sa mga pangangailangan ng labor markets.

Ayon kay Gatchalian, dapat masigurado na naibibigay ng K-12 program ang pagsasanay na kailangan ng mga estudyante upang madali silang makahanap ng trabaho pagkatapos nila sa pag-aaral.


Idinagdag pa ni Gatchalian na kailangang may ambag din ang K-12 curriculum sa paghubog ng mga mamamayang marunong mag-isip para sa kanilang sarili at marunong kilalanin kung ano ang tama sa mali.

Facebook Comments