Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippine (AFP) na mapalawig pa ng isang taon ang martial law sa Mindanao.
Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, matagal na nilang napag-usapan sa kanilang isinagawang National Security Council (NSC) meeting ang kanilang suporta para sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Pabor aniya sa kanila ang extension ng martial law sa paglalatag ng seguridad lalo at magsasagawa ng plebesito sa Mindanao na isasagawa sa susunod na taon ang Midterm election.
Ngayong buwan ay matatapos naman ang isang taong umiiral na martial law sa Mindanao.
Matatandaang unang idineklara ang martial law sa Mindanao noong May 23, 2016 nang sumiklab ang gyera sa Marawi City sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute ISIS terrorist group.