PABOR | PNP, suportado ang pagbaba ng age of criminal responsibility

Muling inihayag ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang suporta na babaan ang minimum age of criminal responsibility.

Ito ay dahil sa pabata nang pabata ang mga nasasangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Superintendent Kimberly Molitas – 1,861 na menor de edad ang nasagip sa anti-illegal drug operations mula July 2016 hanggang November 2018.


Nasa siyam na taong gulang ang pinakabata nilang nasagip.

Mula sa naturang bilang, 1,001 ang drug pusher, 501 ay possessor at 255 ay users habang ang mga natitira ay mga bumisita lamang sa drug den, drug den employee, cultivators.

Nanawagan ang PNP sa publiko na isumbong ang magulang na pinapayagan ang kanilang mga anak na malulong sa ilegal na droga o masangkot sa kalakalan nito.

Facebook Comments