Ang mga Pilipino ay likas na mahilig kumain, at nakadikit na sa ating pagkatao ang ating pagkamahilig sa kanin, at ang kakambal naman ng kanin ay ang ulam. Ang ulam ang isa sa mga hindi mawawala sa ating hapag kainan, mapa agahan, tanghalian o hapunan pa, minsan nga maski meryenda ay may kanin at ulam pa.
Narito ang ilan sa mga bayani natin ang ang paborito nilang mga ulam:
Jose Rizal
Tinolang Manok at Ginisang Monggo
Una sa ating listahanay ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Nabanggit sa isang kabanata ng Noli Me Tangere ni Dr. Rizal ang all-time favorite nating sinabawang manok- ang tinola! Sino ba naman ang hindi masasarapan sa mainit, masarap at ma-luya nitong sabaw na masarap i-ulam sa mainit na kainin. Isa pa sa mga paborito ni Dr. Rizal ay ang ginisang monggo.
Antonio Luna
Fritada de Pollo
Nakilala natin ng lubusan si Heneral Antonio Luna sa pelikulang Heneral Luna bilang isang matapang, brusko, may paninindigan at magaling na heneral ng Pilipinas. Ang ating matapang na heneral ay galit sa mga kalabang kastila o mga dayuhan, pero ang hindi natin alam ang kanyang paboritong ulam ay ang Ecuadorian dish na Fritada de Pollo na pinakilala ng mga kastila. Medyo malapit din ito sa nakasanayan nating chicken afritada.
Andres Bonifacio at Gregoria de Jesus
Litsong Manok
Hinding hindi naman nawawala sa ating mga handaan ang susunod nating tampok na paboritong ulam nina Andres Bonifacio, na tagapagtatag ng Katipunan at ng kanyang asawang si Gregoria “Oriang” de Jesus – Ang masarap na litsong manok! Sino ba ang aayaw sa masarap na balat ng litsong manok, isama mo pa ang masarap na sawsawan at mainit na kanin.
Gabriela at Diego Silang
Diningding at Pakbet
Mahilig ka ba sa gulay? Dahil ang hero couple nating sina Gabriela at Diego Silang ay sadyang mahilig sa gulay. Ang kanilang paboritong pagkain o ulam ay diningding at pakbet! oh diba Idol bet na bet! Dahil likas na sagana sa gulay ang Pilipinas, hindi hindi mawawala ang mga lutuing tampok ito. At dahil ang ating hero couple ay mga Ilokano, si Gabriela ay taga Ilocos at ang nanay naman ni Diego ay isang Ilocana, at kilala ang mga taga Ilocos sa mga lutuing gulay kaya’t hindi nakakapagtakang mahilig sila kumain nito! Pak na pak! bet na bet!
Marcelo del Pilar
Pinalundag na Bulig
Isa sa mga nagtatag ng La Solidaridad si Marcelo H. Del Pilar at kilala din siya sa kanyang pen name na “plaridel”. Ngunit alam nyo ba na ang paborito niyang pagkain ay ang pinalundag na bulig! Ang dish na ito ay tanyag lalo na sa kanyang bayan sa Bulacan! Ang bulig o dalag ay pinapaksiw bago ipiprito at inihahain kasama ang masarap na sawsawan! hmmmmm Rapsa!
Article written by Kristian Cartilla
Sources:
https://wordsandlens.weebly.com/blogsfeaturesopinion/time-machine-sa-kasalukuyan
https://www.youtube.com/watch?v=LroEgYyO2QA
https://www.youtube.com/watch?v=TzM8lnHjBFc
https://en.wikipedia.org/wiki/Diego_Silang
Facebook Comments