Pabuya, ibibigay ng magulang na dinukutan ng sanggol sa Las Piñas City

Las Piñas – Handang magbigay ng pabuya ang mag-asawang dinukutan ng isa sa kanilang kambal na sanggol sa Las Piñas City.

Ito’y matapos silang makatanggap ng tawag na may nakakilala sa tumangay ng kanilang anak noong nakaraang lingggo pero humingi ito ng pabuya kapalit ng ibibigay na impormasyon.

Sa ngayon, pinag-aaralan na ng mga otoridad ang hawak nilang cctv footage.


Tinutugis pa rin nila ang suspek na nagpakilalang nathalie damaso na taga-dswd nang dukutin ang sanggol.

Facebook Comments