Pabuya laban sa mga suspek na pumatay sa isang pulis, inilabas na ng CIDG; pulis, binigyan ng Medalya ng Kadakilaan

Nagluluksa ang buong Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos masawi ang isa nilang tauhan na si Police Captain Joel Deiparine ang Assistant Chief ng Intilligence Section ng CIDG Regional Field Unit 7 matapos itong pagbabarilin sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng mga suspek na miyembro ng grupong gun-for-hire sa Cebu City.

Habang ang isang kasamahan naman nito na si Police Executive Master Sergeant Artchel Tero ay nasugatan din sa nasabing engkwentro.

Sa ulat na nakarating sa CIDG, habang nagsasagawa ng casing at surveillance operation ang dalawang pulis ay naispatan nila ang isang pick up truck kung saan sinundan nila ito.

Nang huminto ang sasakyan ng mga nasabing suspek ay bumaba at nagsimulang mamaril gamit ang long firearm.

Dahil dito nagbigay ng 500,000 pabuya para sa makakapagbigay ng impormasyon sa mga tumakas na suspek.

Personal namang bumisita si CIDG Dir. MGen. Robert Morico sa burol ng nasawing pulis para magpaabot ng pakikiramay at tulong pinansyal sa naiwang kapamilya nito.

Iginawad din kay Deiparine ang Medalya ng Kadakilaan para sa kabayanihan at sakripisyong inilaan nito sa kanyang tungkulin.

Facebook Comments