Monday, January 19, 2026

PABUYA | P1,000,000, ini-alok ng Citizens Crime Watch para sa ikadarakip ng apat na dating mambabatas

Manila, Philippines – Naglabas na ng isang milyong pisong pabuya ang civil society group na Citizens Crime Watch para matukoy ang kinaroroonan ng apat na dating mambabatas na sangkot sa kasong murder.

Tig-₱250,000 ang patong sa ulo nina National Anti-poverty Commission Chairperson Liza Maza, dating agrarian reform sec. Rafael Mariano, at dating Bayan Muna Representatives Satur Ocampo at Teddy Casiño.

Matatandaang ipinag-utos ng Nueva Ecija Court ang pag-aresto kina Maza, Mariano, Ocampo at Casiño dahil sa pagpatay sa tatlong magsasaka noong 2001 at 2004.

Sa pahayag naman ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao, mas lalo lang nanganganib ang buhay ng ‘makabayan four’ dahil sa inialok na pabuya.

Naniniwala naman si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate – ang pag-aalok ng pabuya sa apat na dating mambabatas ay maituturing na ‘cheap political stunt’ at ‘vendetta’ ng mga uhaw-na-uhaw sa kapangyarihan.

Facebook Comments