Manila, Philippines – Duda si Senador Antonio Trillanes IV sa motibo ng paglilipat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay outgoing Customs Commissioner Isidro Lapeña sa TESDA.
Tanong ni Trillanes – kung talagang magaling si Lapeña at tiwala sa kanya ang Pangulo, bakit siya inalis sa BOC?
Kung palpak naman dahil nalusutan ng mahigit P11-bilyong halaga ng shabu, bakit naman daw ito binigyan ng cabinet position.
Hinala ng Senador, pabuya ito ni Pangulong Duterte kay Lapeña, hindi dahil sa performance nito sa customs kundi dahil sa loyalty at pananahimik niya hinggil sa nakalusot na drug shipment.
Naniniwala rin si Trillanes na parehong alam nina Lapeña at dati ring BOC Commissioner Nicanor Faeldon kung sino ang tunay na mastermind sa malalaking shipment ng shabu.