Pabuya para sa ikadarakip ng mga suspek sa pagpatay sa 4 na pulis sa N. Oriental, itinaas

Itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tatlong milyong piso ang patong sa ulo sa mga suspek sa brutal na pagpatay sa apat na pulis sa Negros Oriental.

Bago ito, nag-alok ng 1.3 milyong pisong pabuya ang Pangulo.

Sa kanyang talumpati sa Ilocos Sur kagabi, sinabi ng Pangulo na talagang nagalit siya sa sinapit ng apat na pulis.


May nakarating din aniyang impormasyon sa kanya na nagpakamatay ang lider ng grupong nasa likod ng pamamaslang.

Kaya sabi ng Pangulo, itataas niya sa tatlong milyon ang pabuya madala lang sa kanya ang ulo ng lider sa krimen.

Facebook Comments