Manila, Philippines – Itinaas na sa limang milyong piso ang reward money na ipagkakaloob ng Quezon City government sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa suspek sa pagpatay kay barangay bagong silangan Chairwoman Crisselle “Beng” Beltran.
Walang kahirap-hirap na ipinasa ng nakararaming miyembro ng City Council ang mungkahi ni City Councilor Franz Pumaren na gawing limang milyong piso ang reward money mula sa naunang tatlong milyong piso na inialok ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.
Ang reward money ay huhugutin mula sa mga available funds ng city government.
Samantala, naglabas na rin ng cartographic sketch ng isa sa mga suspek ang QCPD.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng binuong special investigation task group hinggil sa motibo ng ambush.