Pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon sa suspek sa pagpatay kay Batocabe, hindi pa nakatutulong sa imbestigasyon

Wala pa ring impact o hindi pa rin nakakatulong sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) ang inilaang 30 milyong pisong pabuya para sa makapagbibigay ng impormayon sa ikadarakip ng suspek o mga suspek sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, umaasa siyang sa mga susunod na araw ay makatulong na ito sa kanilang imbestigasyon.

Batay aniya sa kanilang inisyal na investigation kilala ng crowd ang suspek pero takot aniyang magsalita ang mga ito.


Humalo kasi aniya sa maraming tao ang mga suspek habang namimigay ng regalo si Congressman Batocabe noong weekend sa Albay.

Kaya hiling ni PNP Chief na sana ay ma-motivate ang mga testigo na magsalita upang mas mapabilis ang pag-aresto sa mga suspek.
Tiniyak naman ni Albayalde na ginagawa nila ang lahat upang mapanagot ang mga salarin sa krimen.

Facebook Comments