Manila, Philippines – Itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tatlong-milyong piso ang pabuya sa sinumang makakapagturo sa mga “ninja cops” o mga kawani ng gobyernong sangkot sa droga.
Muling iginiit ng pangulo na galit siya sa mga tiwaling kawani ng pamahalaan.
Inutusan na din ng pangulo ang PNP na patayin ang kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte kung mapapatunayang sangkot siya sa droga at korapsyon.
Kahit si Pulong ay hindi aniya exempted sa kanyang war on drugs.
Kaya kung mapapatunayang sangkot sa kontrobersyal na 6.4 bilyong pisong shabu shipment sa BOC, siya na mismo ang magpapapatay sa kanyang anak.
Facebook Comments