
Itinaas na sa 150,000 pesos ang pabuya sa makakapagturo ng kinaroroonan ng nawawalang bride-to-be sa Quezon City.
Kaugnay nito, nangako naman ang Philippine National Police na masusi nilang iimbestigahan ang lahat ng anggulo para matiyak ang agarang paglutas sa nasabing kaso.
Kung saan nagtalaga na ang PNP ng Special Investigation Team ng Quezon City Police District para tutukan ang pagkawala ng nasabing bride-to-be.
Samantala, itinuturing na rin ng pulisya na person of interest ang fiancé nito na si Mark Arjay Reyes.
Matatandaan na bigla na lang nawala si Sherra De Juan, 30 taong gulang, noong Disyembre 10 at nakatakda na sanang ikasal nitong Disyembre 14.
Facebook Comments









