Pabuya para sa pagkakahuli ng pumatay kay Rep. Batocabe, sumampa sa P30-M

Manila, Philippines – Umabot na sa P30 milyon ang nalikom na reward money para sa makapagtuturo sa utak at suspek sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe at sa police escort nito na si SPO1 Orlando Diaz.

Sa isang press conference, sinabi ni Albay Governor Al Francis Bichara na itinaas ng mga kasamang mambabatas ni Batocabe sa Kamara at ng Albay provincial government ang halaga ng pabuya para sa naturang krimen.

Aniya, siguradong P30 milyon ang ibibigay sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa Philippine National Police (PNP) ukol sa kaso.


Personal naman na nakiramay si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa naulilang pamilya ni Batocabe kasabay ng pagkundena sa walang saysay na pagpaslang sa kongresista.

Maliban kay Arroyo, dumalaw na rin sa burol sina House Majority Leader Rolando Andaya at Ako Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin.

Facebook Comments