Manila, Philippines – Itinaas na sa P10 milyon ang pabuya para sa ikadarakip ng lider nang tinaguriang Peralta gun for hire group na nag-o-operate sa Northern at Central Luzon.
Una nang nagbigay ng P5 million pabuya ang VACC para sa pag-neutralize sana sa lider ng grupo na si Ricardo Peralta.
Ayon kay VACC Vice Chairman Arsenio Evangelista, ginamit ng ilang politiko ang serbisyo ng grupo ni Peralta bilang private army.
Aniya, galing ang P10 milyong pabuya mula sa mga donasyon ng mga nabiktima ng nasabing grupo.
Facebook Comments