Pabuya sa makakahuli sa tangkang pagpatay sa gobernador sa Misamis Occidental, pumalo na sa ₱6-M

Umabot na ng 6 million pesos ang inilaang pabuya para sa ikahuhuli ng suspek o mga suspek sa tangkang pagpatay kay Misamis Occidental Governor Henry Oaminal Sr. noong Oktubre nakaraang taon.

Sa impormasyong ipinabatid ng Misamis Occidental Police Provincial Office sa Kampo Krame, ang isang milyong pisong reward ay ibibigay sa mga indibidwal na magbabahagi ng impormasyon para matunton ang mga salarin, habang ang limang milyong piso ay para sa mga law enforcers na makakahuli sa mga suspek.

Maaalalalang, pauwi na noong October 15 ang gobernador sa Ozamiz City mula sa isang pagpupulong nang maganap ang pagpapasabog.


Maswerte namang hindi nasaktan sa nangyari ang opisyal gayundin ang kanyang mga kasamahan.

Samantala, hindi naman inaalis ng pulisya ang posibilidad na politically motivated ang pag-atake sa naturang gobernador.

Facebook Comments