Pabuya sa Nawawalang Negosyante, Itinaas na sa 2 Milyong Piso!

723

*Cauayan City, Isabela –* Itinaas na sa 2 million pesos ang pabuya sa sinumang makakakita o makakapagturo sa kinaroroonan ng nawawalang Chinese na negosyante na si Alvin Recobo Pua.


Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa anak ng nawawalang negosyante na si Wilson Pua, nakahanda silang ibigay ang nasabing pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon kaugnay sa pagkakawala ng kanilang padre de pamilya.

Sa ngayon ay wala pang malinaw na impormasyon ang pamilya ni Pua kung nasaan o ano na ang kinahihinatnan nito.

Huling nakita si Alvin Pua noong Marso 11, 2019 nang umalis ito sa kanyang bahay lulan ang puting Izuzu DMAX na may plakang BAA 4002.

Nagtutulungan pa rin sa ngayon ang National Bureau of Investigation-Isabela (NBI) at Cauayan City Police Station sa pagtukoy sa kinaroroonan ng nawawalang negosyante.

Facebook Comments