Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ng Armed Forces of the Philippines na hindi sila ang nagpasimuno sa ginagawa ng local na pamahalaan ng Negros Island Region kung saan magbibigay sila ng pabuya na 100,000 libong piso sa kung sinomang makapagtuturo at magiging dahilan sa pagkakaaresto o makaka neutralize sa mga miyembro ng New People’s Army.
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, wala silang pondo para dito at talagang inisyatibo ito ng local na pamahalaan katuwang ang pribadong sector.
Pero sinabi ni Padilla na welcome para sa kanila ang hakbang na ito ng local na pamahalaan dahil sa pamamagitan nito ay mas mapapadali pa ang pagaresto sa mga kalaban ng estado.
Hinimok din naman ni Padilla ang iba pang local na pamahalaan nagawin din ang kahalintulad na hakbang upang makatulong sa pagkakaroon ng kapayapaan sa kanilang mga nasasakupan.