PACC Commissioner Greco Belgica, itinuturing na isang demolition job ang isinampang kaso laban sa kamiya

Naglabas ng opisyal na pahayag si Presidential Anti-Corruption Commission o PACC Commissioner Greco Belgica hinggil sa isyu ng pagsasampa sa kaniya ng kaso dahil sa pagbibitbit ng baril sa ginagawa nitong operasyon.

Nabatid na sinampahan si Belgica ng isang Monalie Dizon na miyembro daw umano ng grupong kilusang pagbabago.

Paliwanag ni Greco, ang grupo ni Dizon ay hindi parte ng totoong kilusang pagbabago na sumuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan konektado daw sila sa mga teroristang grupo.


Ayon pa sa ospiyal, una daw humingi ng pabor si Dizon sa kaniyang opisina at kaniya naman itong tinugunan ng naayon sa batas.

Matapos daw nito, muling humiling si Dizon kay Belgica pero hindi na niya ito pinagbigyan dahil nais ni Dizon na maglabas siya ng desisyon sa ginagawa nilang imbestigasyon na pabor sa kaniyang grupo.

Iginiit pa ni Belgica na matapos ang insidente ay natunugan niya na nagpla-plano si Dizon at grupo nito ng Demolition Job laban sa kaniya kung saan mayroon siyang hawak na Audio Recording bilang ebidensiya.

Diskarte daw ng grupo ni Dizon na sirain ang reputasyon ng isang high ranking government officials kapag hindi daw ito sumunod sa kanilang kagustuhan pero hindi ito palalagpasin ni Belgica lalo na’t hangad ng kanilang komisyon na tapusin at sugpuin ang korupsyon sa pamahalaan.

Facebook Comments