PACC, handang imbestigahan ang alegasyong korapsyon ni Pacquiao sa DOH; paglala ng korapsyon sa ilalim ng administrasyong Duterte, pinalagan!

Aminado ang Philippine Anti-Corruption Commission (PACC) na nananatiling problema sa bansa ang korapsyon.

Pero giit ni PACC Chairman Greco Belgica, hindi makatwiran na sabihing lumala nang triple ang korapsyon sa ilalim ng administrasyong Duterte gaya ng alegasyon ni Senador Manny Pacquiao.

Katunayan, malaki pa nga aniya ang ibinaba ng korapsyon sa Pilipinas dahil sa mas malakas na kampanya kontra korapsyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kumpara sa mga nakalipas na administrasyon.


Katunayan, mula 2018, mahigit 13,000 reklamo ang tinutugunan ng PACC kung saan 4,000 rito ay may kaugnayan sa korapsyon.

“Hindi naman talaga maze-zero ng kahit anong bansa ang korapsyon dahil kakambal ng tao ang korapsyon,” saad ni Belgica sa interview ng RMN Manila.

“[But] we have a stronger, much, much stronger fight against corruption now that we have before dahil ang daming nakulong, ang daming natanggal sa pwesto, na-expose, naimbestigahan compared to other administration. So, malaki po ang ibinaba ng korapsyon ngayon sa Pilipinas kasi we have a president na nag-e-expose nito every week.”

Samantala, ayon kay Belgica, handa nilang imbestigahan ang sinasabi ni Pacquiao na mga opisyal o ahensya ng gobyerno na umano’y sangkot sa korapsyon.

Facebook Comments