PACC, inisa-isa ang corrupt practices sa PhilHealth

Nagbigay ng summary ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa mga umano’y anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay PACC Chairperson Dante Jimenez, kabilang sa mga sinisilip nilang alegasyon laban sa PhilHealth ay mga ‘ghost patients,’ mga pekeng resibo, admission na lagpas sa bed capacity, “upcasing” ng mga claims, mga pekeng miyembro at kapabayaan sa premium collection.

Nakatanggap din sila ng impormasyon na aabot sa ₱153.7 billion ang nawala sa PhilHealth sa loob ng limang taon dahil sa palpak na mga polisiya, katiwalian at iba pang anomalya.


Nakikipag-ugnayan na rin ang PACC sa Department of Justice (DOJ) para sa imbestigasyon ng umano’y overpriced COVID-19 testing packages, paglalabas ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) funds, kwestyunableng IT projects at stock investment scam.

Nakikipagtulungan din ang ahensya sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) para sa pagsasagawa ng lifestyle checks sa mga opisyal at empleyado ng PhilHealth.

Mula noong November 2019, inirerekomenda na ng PACC kay Pangulong Rodrigo Duterte na palitan ang lahat ng regular members ng PhilHealth Board.

Facebook Comments