PACC, isasailalim sa lifestyle check si PIA chief Clavite

Magsasagawa ng lifestyle check ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kay Philippine Information Agency (PIA) Director General Harold Clavite.

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica – nagsumite si Clavite ng kopya ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) at isang bank waiver bilang bahagi ng investigation.

Aniya, walang ibibigay na special treatment kay Clavite.


Kinumpirma naman ni Clavite na sisilipin ng PACC ang kanyang assets.

Ang PIA chief ay nahaharap sa imbestigasyon ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) tungkol sa alegasyong hinahati ang kontrata, paggamit ng pondo para sa hotel accommodations at iregularidad sa produksyon ng information materials.

Facebook Comments