Pacific Airlift Rally 2023 exercise sa pagitan ng Pilipinas at US Airforce, nagtapos na

 

This slideshow requires JavaScript.

Pormal nang nagtapos ang 5-day Pacific Airlift Rally military training sa pagitan ng Philippine Air Force (PAF) at United States Air Force (USAF).

Ayon kay Philippine AirForce spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, ang pagsasanay ay sumisimbolo sa international collaboration kung saan pinamalas ang husay at galing ng 2 bansa.


Layon aniya nitong magkaroon ng mas ligtas at mas secure na Indo-Asia-Pacific Region.

Aniya, tiwala ang PAF na sa pamamagitan ng mga bagong kaalaman mula sa pagsasanay ay mas nahasa ang kanilang hanay at magagamit ito sa mas pinahusay pang Humanitarian Assistance and Disaster Relief Missions.

Samantala, ayon naman kay USAF Gen. Kenneth Wilsbach, ang tagumpay ng naturang pagsasanay ay dahil na rin sa hard work, dedication at commitment ng mga organizers at participants.

Nabatid na maliban sa Philippine at US Airforce nilahukan din ang military exercise ng mga participating countries tulad ng Japan, Indonesia, Malaysia, Bangladesh, Brunei, Canada, Maldives, Mongolia, Nepal, Singapore, Sri Lanka, at Timor-Leste.

Facebook Comments