Package na naiwan sa hallway ng NAIA terminal 1, nagdulot ng pangamba sa mga pasahero at empleyado

Napawi ang pangamba ng mga pasahero at mga sundo maging naghahatid ng kanilang mga kaanak kasama na ang mga empleyado ng NAIA terminal 1 matapos mag-negatibo sa anumang uri ng pagpasabog ang naiwang maliit na package.

 

Alas -12:00 ng tanghali nang ikurdon ng airport security ang hallway papasok at paakyat sa departure area sa NAIA terminal 1 dahil sa kahina-hinalang box na Nakabalot ng plastic wrap.

 

Agad tumawag ang Airport Security ng bomb disposal unit para malaman ang laman ng Package kung saan Hindi ito inupuan ng K9 unit na senyales na negatibo ito sa anumanung uri ng pampasabog,


 

Binuksan ang naturang box at tumambad ang dito ang isang stainless plate holder kung saan inaalam na kung sino ang nakaiwan ng nasabing package.

 

Ayon kay EOD Sgnt Valenzona s-o-p talaga na ikurdon ang lugar kapag may bagahe na naiwan para na rin sa kaligtasan ng lahat bago ito bubuksan sa oras na hindi ito papansinin ng K9 dog.

 

Dapat din umanong makipagtulongan ang bawat isa kung may mga ganitong pangyayari lalo na sa lugar ng seaport at Airport sa bansa.

Facebook Comments