Packaging ng alcopop drink, pinasisilip ni Sen. Go

Manila, Philippines – Hihilingin na ni Senator Bong Go sa Department of Trade and Industry (DTI) na tingnan ang packaging ng alcopop drink.

Sa panayam ng media sa Cainta, Rizal, sinabi ni Go na dapat maging malinaw kung ang produkto ay isang alcoholic drink o purong juice lamang.

Matamis aniya ang lasa pero may epekto ng pagkahilo sa kalaunan na hindi tamang inumin ng kabataan.


Mayroon itong alcohol content na  7%  sa 200-ml pack na halos kapareho na sa popular na beer brand na may 7.2 % alcohol content.

Nais malaman ni Go sa DTI kung nasusunod ng manufacturer ang batas ukol sa paggawa ng non alcoholic drinks.

Pagtiyak pa ng senador na kung kinakailangan pang magpatawag siya ng imbestigasyon ukol dito ay agad niyang gagawin.

Si Go ay bumisita kahapon sa mga pamilyang nasunugan sa Greenland Subdivision sa Cainta, Rizal at nagpaabot ng kanyang tulong kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan.

Facebook Comments