Binisita ng mga dating NBA players na sina Metta Worldpeace (Los Angeles Lakers) at Bill Wennington (Chicago Bulls) si pambansang kamao Manny Pacquiao.
Ito ay upang ipakita ang kanilang suporta kay Pacquiao sa nalalapit nitong laban kontra Adrien Broner kung saan naniniwala sila na kayang talunin ng pambansang kamao ang American boxer.
Samantala, inamin ngayon ng team Pacman na hindi daw dapat maliitin ni Manny si Broner na kilalang “second half” fighter na kayang tumagal hanggang sa dulo ng laban.
Dahil dito, pinayuhan nila si Pacquiao na sa umpisa pa lamang ng laban ay maging agresibo na upang hindi na makabawi pa ang kalaban at mapanatili ang hawak na WBA Welterweight title.
Facebook Comments