Pacman, excited na muling lumaban

Ilang araw bago ang nakatakdang laban kay American boxer Adrien Broner, excited na excited na ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao.

Bukod kasi sa unang pagdepensa nito sa hawak na WBA Welterweight belt, muli kasi siyang lalaban sa ibabaw ng ring ng MGM Grand sa Las Vegas.

Sinabi naman ni coach Buboy Fernandez na 100 percent nang kondisyon si Manny at natutuwa siya sa improvement na ipinapakita ng pambansang kamao.


Matapos ang training ni Manny, dadalo siya sa grand arrival sa MGM Grand kung saan nakaabang dito ang kaniyang mga fans at mapapanood naman sa Pilipinas ang laban nito sa January 20, 2019 (Sunday).

Facebook Comments