Pacman, isang inspirasyon sa bawat Pinoy – AFP at PNP

241

Nakikiisa ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagdiriwang ng Sambayanang Pilipino sa panibagong tagumpay ni People’s Champion, Senator Manny Pacquiao matapos talunin si Keith Thurman para sa WBA Welterweight title.

Ayon kay PNP acting Spokesperson, Police Colonel Kimberly Molitas – hindi lamang dangal ang hinatid ni Pacquiao sa bansa, kundi inspirasyon din sa lahat ng mga Pilipino na magpursige sa buhay.


Sinabi naman ni AFP Public Affairs Chief Colonel Noel Detoyato – sumasalamin ang pagkapanalo ni Pacquiao sa kaniyang legacy at galing ng isang Pinoy.

Ang dedikasyon, hard work at pagsasakripisyo aniya ni Pacquiao ang nagsisilbing inspirasyon sa mga Pinoy lalo na sa militar.

Facebook Comments

From Advertisers