Pacman, sasabak na sa training para paghandaan ang laban kontra Keith Thurman

Sasabak kaagad sa training si People’s Champ Senador Manny “Pacman” Pacquiao para paghandaan ang kanyang laban kay undefeated American boxer na si Keith Thurman sa darating na July 20.

Ito ang naging pahayag ng fighting senator makaraang bumoto siya kahapon sa Kiamba Central Elementary School sa bayan ng Kiamba sa Sarangani.

Aniya, sina coach Buboy Fernandez at hall of famer trainer Freddie Roach ang makakasama ni Pacman sa training sa Maynila dahil kailangan din niyang gampanan ang trabaho sa Senado.


Nagmisturang meet and greet ang pagboto ni Pacman sa polling precinct dahil sa dami ng mga tao ay nagkagulo pa, masilayan lang ang kanilang idolo.

Matapos makaboto, pinagbigyan naman ni Manny ang mga tagahanga na nakapag-selfie at magpa-picture sa kanya.

Facebook Comments