Pacman, walang sinayang na oras para mag-ensayo

Walang sinayang na oras ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao kahit pa araw ng Pasko habang sila ay nasa Los Angeles, California.

Pagdating pa lang sa nasabing bansa, agad na ipinagpatuloy ni Pacquiao ang kanyang tatlong linggong training bago makaharap si Adrien Broner sa January 19.

Hindi inalintana ni Pacquiao ang lamig ng winter sa Amerika at nag-jogging pa kasama ang kanyang team.


Sa harap din ng kanyang mga taga-hanga ay nagpakita ng ilang stunts sa Shadowboxing ang pambansang kamao, bago nagsagawa ng stomach crunches.

Dedepensahan ni Manny ang kanyang WBA Welterweight belt laban sa challenger na si Broner sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Facebook Comments