Pacquiao, balik-trabaho agad kahit may black eye pa senado nagpasa ng resolusyon na kumikilala sa kanyang tagumpay

Agad na sumabak sa trabaho at diretso sa pagdalo sa session ngayong araw si Senator Manny Pacquiao matapos makabalik sa bansa kaninang hatinggabi.

 

Kahit may black eye ay minabuti ni Paquiao na harapin agad ang trabaho dito sa senado.

 

Ayon kay Pacquiao, bukod sa black eye ay wala syang ibang iniindang sakit ng katawan at wala pa rin syang planong magretiro sa boxing.


 

Ang senado naman ay nagpasa ng resolusyon na kumikilala sa hindi matatawarang galing at parangal na ibinigay ni Pacquiao sa bansa sa larangan ng boxing habang patuloy na ginagampanan ang kanyang mandato at pagsiserbisyo sa publiko.

 

Lubos naman ang pasasalamat ni Pacquiao sa lahat ng sumuporta sa kanya.

 

Diin ni Pacquiao, ang boxing ay kanyang passion habang public service naman ang kanyang mission.

 

Isinulong din ni Pacquiao ang pagbuo ng Philippine Boxing and Combat Sports Commission para mabigyan ng oportunidad ang mga Pilipinong may natatago ding galing sa boxing.

Facebook Comments