Pacquiao, bigong maagaw ang WBA welterweight title kay Ugas

Bigo si eight-world division champion Manny Pacquiao na maagaw ang WBA welterweight belt kay Cuban boxer Yordenis Ugas sa naging sagupaan nila sa T-Mobile Arena sa Las Vegas ngayong araw, August 22.

Bagama’t mas naging agresibo sa laban sa Pacquiao, hindi ito umubra sa mas matangkad at mas batang si Ugas.

Binati ni Pacquiao ang kalaban nitong si Ugas habang humingi rin siya ng paumanhin sa mga Pilipino kasunod ng kanyang pagkatalo.


Dahil dito, bumaba ang record ni Pacquiao sa 62-8-2 na may 39 knockouts habang umakyat sa 27-4 na may 12 KOs ang kay Ugas.

Dapat na makakalaban ni Pacquiao, 42, ang American fighter na si Errol Spence Jr. pero umatras ito dahil sa eye injury.

Ngayon lang ulit tumapak sa boxing ring si Pacquiao makalipas ang mahigit dalawang taon.

Facebook Comments