Nagpahayag ng pagkadismaya si presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao sa mabagal na internet signal.
Ito ay makaraang maputol ang kaniyang koneksyon habang dumadalo sa sesyon ng Senado sa pamamagitan ng zoom.
Nasa Mati, Davao Oriental si Pacquiao nang maputol ang kaniyang internet koneksyon habang bumoboto s’ya pabor sa pagpasa ng Senate Bill 2234 o ang panukalang Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos Act.
Dahil dito ay tiniyak ni Pacquiao na kapag siya ang nahalal na pangulo sa 2022 elections ay magiging prayoridad ng kaniyang administrasyon ang pagtatayo ng maayos na National Broadband Infrastructure.
Sabi ni Pacquiao, babalangkas din s’ya ng regulasyon para obligahin ang Telecommunication Companies (Telcos) na palawakin at palakasin ang kanilang serbisyo.
ipinangako ni Pacquiao na sisiguruhin niya na ang In-Plane Switching (ISPs) ay matutupad ang bandwidth na ipinangako sa kanilang subscribers.
Sinabi ni Pacquiao na ang bansa ang may pinakamahinang internet service at isa sa mga hindi nagugustuhan ng mga dayuhang mamumuhuan.