Friday, February 27, 2026

Pacquiao, inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa content creator na si Mangusin

Sa phonepatch interview na isinagawa sa Kampo Krame sinabi ni dating Senador Manny Pacquiao na inihahanda na ng kanyang mga abogado ang pagsasampa ng mga kaso laban sa content creator na si Norman Mangusin.

Ayon kay Pacquiao, ilan umano sa mga maling sinabi ni Mangusin ay ang pagki-claim nito na may utang umano siya rito gayung hindi naman nya personal pang nakikita ang nasabing content creator.

Dagdag pa ni Pacquiao, pati na rin ang pag-iinsulto ni Mangusin sa kanyang pangalan at inang si Mommy Dionisia kung saan labis umanong nasasaktan dito ang senador.

Ayon pa Pacquiao ,ipapaubaya na nya sa korte ang magiging desisyon kay Mangusin.

Isa sa mga kasong isasampa laban kay Mangusin ay cyberlibel na posibleng ipa-file ng kampo ni Pacquiao ngayong araw, bukas o sa Lunes.

Samantala, kinumpirma naman ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson JSupt. Jayrex Bustinera na nakarating na sa Paranaque City si Mangusin kung saan sasailalim ito sa 5 araw na quarantine bago ito ilipat sa normal na selda kasama ng 20 iba pang detainee.

Facebook Comments