Pacquiao, magiging ‘talunan’ kapag nabigo siya sa kanyang boxing career ayon kay Pangulong Duterte

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na umatras sa isang boxing match si Senator Manny Pacquiao dahil magiging “talunan” na siya kapag siya pumalya sa kanyang karera.

Sa kanyang talumpati sa Antipolo City, sinabi ni Pangulong Duterte na biglaang umatras si Pacquiao sa naka-schedule niyang laban dahil alam niyang matatalo siya.

Aniya, masisira ang kanyang boxing career kapag natalo siya.


Dagdag pa ni Pangulong Duterte na maraming “inconsistencies” si Pacquiao sa kanyang karera.

Bagamat walang record si Pacquiao na umatras sa kahit anong boxing match, may mga ulat na nahaharap siya sa multi-million dollar breach of contract lawsuit na inihain ng Paradigm Sports Management dahil mayroon dapat siyang laban kay American Boxer Mikey Garcia sa halip kay Errol Spence.

Si Pacquiao ay nakatakdang lumaban kay Spence sa August 21, 2021 sa Las Vegas, Nevada.

Facebook Comments