“In High Spirits” si Fighting Senator Manny Pacquiao, ilang araw bago ang sagupaan nila sa ring ni Argentine Boxer Lucas Matthysse sa July 15.
Alas-3 kaninang hapon, lumipad na patungong Malaysia ang Team Pacquiao.
Nasa halos 200 ang kasama sa entourage ng Pambansang Kamao kabilang ang kanyang pamilya, ilang kamag-anak at malalapit na kaibigan.
Full-force din ang lahat ng Konsehal ng General Santos City para suportahan sa kanyang laban si Pacquiao.
Tiniyak naman ni Coach Buboy Fernandez na 100 percent nang naka-kondisyon si Pacquiao para sa tinaguriang “Fight of Champions”.
Facebook Comments